Dapat tandaan na ang ilan sa mga taong nagpakamatay ay hindi nagpapakita ng anumang babala o bago ang lahat. Ngunit marami sa mga nagpakamatay ay nagpakita ng kakaibang pahiwatig. Kaya kung ikaw o may kakilalang nagpapahiwatig ng maraming palatandaan ng pagpapakamatay na nakalista sa ibaba, ang taong iyon ay nangangailangan ng maagap na tulong.
Depressed o palaging malungkot.
Nagsasalita o nagsusulat tungkol sa kamatayan o pagpapakamatay.
Pag-iwas sa pamilya at mga kaibigan.
Kawalan ng pag-asa, walang tumutulong, walang patutunguhan, labis na pagkagalit o poot sa lahat ng oras.
Bigla at madalas na pagbabago ng kalooban.
Paggamit ng droga o alak.
Kawalan ng interes sa lahat ng gawain, kahit sa mga dating kinahiligan.
Pagbabago sa pagtulog at pagkain (hindi makatulog o sobra sa tulog; kawalan ng gana o sobrang pagkain).
Hindi maipaliwanag na pagkasira ng kakayahan sa trabaho o eskwela.
Biglang pamimibigay ng mga mahahalagang pag-aari at/o pagsusulat ng huling habilin.
MAHALAGA: Laging sersyosohin ang mga pahiwatig ng pagpapakamatay. Ito ay paghingi ng tulong, na sa kasamaang-palad, ay kadalasang hindi naririnig. Kung ang tao ay nagsabi na siya ay nag-iisip tungkol sa pagpapakamatay, seryosohin ang kanilang sinabi.