Paano makapipinsala sa kalusugan ang pagtatrabaho ng may mga kemikal

From Audiopedia
Revision as of 12:19, 26 February 2024 by Marcelheyne (talk | contribs) (XML import)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to: navigation, search

Marami sa kababaihan ang nadidikit sa mga kemikal na hindi nila nalalaman. Ito ay dahil sa ang maraming modernong produktong ginagamit sa araw-araw na buhay at trabaho ay naglalaman ng mga nakatagong kemikal.

Ilan sa mga ito ay higit na nakasasama, tulad ng:

  • pesticides, mga pataba, pamatay ng damo, at gamot panghayop.
  • pintura, paint thinners, paint remover at panunaw.
  • gasolina at mga pampakintab ng palayok na may lead.
  • mga produktong panglinis na may bleach at lye.
  • produktong pang-ayos ng buhok at pampaganda.

Ang ibang kemikal ay nakakasama agad sa iyong katawan, kahit pa hindi pa nagkakasakit. May ibang nakasasama na sa kalaunan pa nakikita, o kaya'y pag itinigil na ang paggamit. Ang ibang pinsala ay maaaring panandalian lamang. Ang ibang pinsala ay permanente, halimbawa:

  • sakit sa ulo, pagkahilo
  • pagbahing, pag-ubo
  • iritasiyon sa mata
  • pagkasira ng ngipin at gilagid
  • problema sa dibdib at baga
  • problema sa atay
  • problema sa pantog at bato
  • problema sa balat
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030113