Magsanay ng mga self-defense kasama ang kaibigan, para maging handa sa paglaban sa sasalakay. Tamaan mo siya nang malakas hanggat kaya mo. Huwag kang matakot na saktan siya- hindi siya natatakot na saktan ka.
Kung ikaw ay nilusob mula sa likuran
Sikuhin mo siya nang malakas sa tiyan.
Tapakan mo siya nang mariin sa kaniyang paa gamit ang iyong sakong.
Abutin mo patalikod ang kanyang bayag at pisain mo nang maigi.
Gamit ang iyong sakong, sipain mo siya nang malakas sa kanyang binti o tuhod.
Kung ikaw ay nilusob mula sa harapan
Hukayin mo ang loob ng kanyang mga mata.
Ipiting ng 2 kamao ang bawat tagiliran ng kanyang ulo, o sa kanyang mga tainga.
Suntukin mo siya nang malakas sa kanyang ilong.
Tuhurin mo siya sa kaniyang bayag (malakas at mabilis)
Iba pang pansariling depensa:
Kung ikaw ay nasa pampublikong lugar at may taong sinusubukang saktan o abusuhin ka, sumigaw nang malakas hanngat kaya mo.
Gumawa ng isang bagay na maaari niyang ikainis, tulad ng pagpapalabas ng laway o subukan mong magsuka, o magpanggap kang nababaliw.
Kung ang abusadong tao ay isa sa iyong pamilya, subukang makipag-usap sa kanya tungkol dito kasama ang miyembro ng pamilyang pinagkakatiwalaan mo.
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.