Ang paging impatso ay nagdudulot ng mainit na pakiramdam sa lalamunan at dibdib. Karaniwang nangyayari ito pag malapit nang manganak, pagkatapos kumain o kapag nakahiga.
Ano ang gagawin para ito maiwasan:
Kumain nang paunti-unti kaysa kumain ng napakarami sa isang upuan lamang.
Iwasan ang mga maanghang at mga mamantikang pagkain.
Uminom ng maraming tubig at iba pang inuming walang kulay.
Huwag humiga pagkatapos kumain.
Matulog nang mas mataas ang ulo kaysa tiyan.
Uminom ng isang tasang gatas o yogurt, o gamot para mabalanse ang asim sa tiyan (antacid).
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.