Paano ako makakuha ng malinis na inuming tubig

From Audiopedia
Revision as of 11:39, 21 July 2023 by Marcelheyne (talk | contribs) (XML import)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to: navigation, search

Ang inumin ay kinakailangan manggaling sa pinakamalinis na pinagkukunan. Kung ang tubig ay malabo, pabayaan muna itong luminaw, ibuhos sa isang lalagyan ang malinis na tubig. Bago ito inumin, patayin ang lahat ng mikrobyo sa paraang nakasaad sa ibaba. Ang tawag dito ay purification, o paglilinis.

Itago ang nilinis na tubig sa malinis at may takip na lalagyan. Kung ang lalagyan ay nagamit na sa pagtatago ng mantika, hugasang mabuti sa sabon at mainit na tubig bago lagyan ng malinis na tubig. Huwag mag-iimbak ng malinis na tubig sa mga pinaglagyan ng kemikal, pesticides o lasong pamatay sa insekto, at gas. Hugasan sa sabon at malinis na tubig ang mga imbakan ng tubig, isang beses sa isang linnggo.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010117