Ang mga bata ay maaaring malunod sa loob ng dalawang minuto kahit sa kakaunting tubig, kahit sa bathtub.
Ang pagkalunod ay maaaring makapinsala sa utak, o makamatay. Para maiwasan malunod ang mga bata, dapat sila laging bantayan ng mga magulang at ng mga taga-alaga, kung sila ay malapit sa tubig.
Kapag may tubig sa kapaligiran, mahalagang:
takpan ang mga balon o mga tanke ng tubig para hindi mabuksan ng mga bata
baligtarin ang mga balde o paliguan kapag hindi ginagamit, at laging bantayan ang mga bata kapag naliligo
turuan ang mga bata na laging lumayo sa mga hukay o lagusan ng tubig
(sa mga pamilyang nakatira malapit sa mga tubig) paligiran ng bakod ang bahay at isara ang gate para hindi makapunta ang mga maliit na bata sa tubig
lagyan ng bakal na pahalang na may pantay na puwang para hindi makasuot ang mga bata
(para sa mga pamilyang nakatira mismo sa tubig) maglagay ng mga bakal na patayo sa mga terasa, bintana at pintuan para hindi malaglag ang mga bata sa tubig
turuan lumangoy ang mga bata habang sila ay maliit pa
pasuotin ng life jacket ang mga bata haang naglalaro sa tubig o nasa banka
laging bantayan ang mga batang lumalangoy
bilinan ang mga bata na huwag lalangoy mag-isa at sa tubig na may agos
balaan ang mga bata kapag tumataas na ang tubig
tiyaking lahat ng miyembro ng pamilya, pati ang mga batang nasa gulang na, ay alam kung saang ligtas na lugar pupunta kung kinakailangan mag-evacuate.