Paano ko matutulungan ang aking mga anak sa pag-iwas sa sekswal na pang-aabuso - Audiopedia
- Turuan ang iyong mga anak tungkol sa mga posibilidad na maaari silang hipuang sekswal, at kung ano ang pinagkaiba ng
paghawak na may pagmamahal at panghihipo.
- Hangga't maaari, patulugin ang mga babae at lalaki sa magkahiwalay na tulugan, lalo na paglampas ng edad 10 o 11.
- Turuan ang iyong mga anak kung sino lamang ang kanilang kakausapin kung mayroong mangyari sa kanila.
- Maniwala sa batang nagsasabi na siya ay hindi palagay na kasama ang isang matanda o mas nakatatandang bata - o kahit sino
pa ang taong iyon.
- Minsan ang pang-aabusong sekswal sa mga bata ay nagpapatuloy sa maraming taon. Ang batang babae ay maaaring
napagsabihan na siya ay sasaktan o papatayin kung meron siyang pagsusumbungan tungkol dito.
Sources
- Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
- Audiopedia ID: fil020310