Ang mga bata ay maaairing masaktan habang tumatawid o naglalakad sa daanan, o kung sila ay naglalaro malapit sa daanan ng sasakyan. Ang mga bata ay hindi nag-iisip bago tumakbo sa daanan.
Kailangan ng pamilyang:
bantayang maigi ang mga bata
bakuran ang bahay at isara ang gate para hindi makatakbo ang mga bata sa daanan ng sasakyan
turuan ang mga bata na huwag tatawid o maglakad sa daanan ng sasakyan kung walang kasamang matanda
pagbawalan ang mga batang maglaro sa gilid ng daanan ng sasakyan
turuan ang mga batang huwag habulin ang bola, mga laruan o saranggola kapag malapit na sa daanan ng sasakyan
bilinan ang mga bata na maglakad sa tabi ng daan, kaharap ang traffic
kung mayroong bangketa, turuan ang mga batang gamitin iyon kaysa sa daanan maglakad.