Paano ako pipili ng tamang pagkain - Audiopedia
May pagkakataong ang pagkain ay sira na bago pa ito mailuto o maitago. Narito ang ilang mga bagay na dapat hanapin sa pagpili ng pagkain.
Ang sariwang (hilaw na) pagkain ay dapat:
- sariwa at napapanahon.
- buo, walang pasa, sira at hindi nakain ng insekto.
- malinis (hindi marumi).
- amoy sariwa (lalo na ang isda, tulya at karne na wala dapat mabaho o masangsang na amoy).
Ang mga pagkaing prinoseso (luto o binalot) ay kinakailangang ilagay sa:
- bagong lata (walang kalawang, walang tambok at walang kupi).
- garapong may malinis na takip.
- mga boteng walang basag.
- mga pakete o balutan na buo, walang punit.
Ang mga isdang may mabahong amoy at mga latang maambok ay palatandaan na ang pagkain ay sira o panis na.
Sources
- Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
- Audiopedia ID: fil010123